Help Prevent The Spread of CoronavirusCheck This! ×

Aug 15, 2020

Number 1 most wanted sa Maynila todas sa mga Pulis / Mayor Isko Moreno


Nagwakas na ang paghahasik ng krimen ng isang notoryus na propesyunal na hired gunman makaraang masawi sa engkuwentro sa mga umaarestong pulis kamakalawa ng gabi sa San Rafael, Bulacan. 

Ang suspek na napatay ay kinilalang si Leopoldo Dumdumaya Jr., alyas JR Demonyo, top 1 most needed ng Manila Police District (MPD) at number 1 hired gunman ng Balong Drug Group. Habang nadakip ang kaniyang live-in accomplice na si Darlene Manapsal, 24, at kapatid niya na si Darren Manapsal, 25. 

Sa ulat ng MPD District Intelligence Division-District Intelligence and Operations Unit (DID-DPIOU), too bad 8:45 ng gabi nang magkasa sila ng operasyon katuwang ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) makaraang makumpirma na nagtatago siya sa Sitio Bacood, Tambubong, bayan ng San Rafael sa Bulacan. 

Ngunit nakatunog umano ang suspek na unang nagpaputok sa mga paparating na pulis kaya't nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa mapuruhan si Dumdumaya. 

Nakumpiska ng mga pulis ang isang kalibre .45 baril na ginamit umano ng suspek sa pakikipagbarilan, apat na medium size na plastic sachet at isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng kabuuang limang gramo ng shabu. 

Si Dumdumaya ang itinuturong responsable sa pagpatay sa dalawang barangay kagawad at isang pulis sa Maynila.


0 comments:

Post a Comment